PNP, inatasan ni PBBM na gawing prayoridad ang pakikipagdayalogo sa mga komunidad

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na iprayoridad ang pakikipagdayalogo sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo matapos ang panunumpa ng mga bagong heneral kahapon sa Malakanyang.

Binigyang diin ng pangulo na importante na nakakausap ng PNP ang mga residente sa kanilang mga nasasakupan para maibalik ang tiwala at respeto ng mga ito sa mga pulis.


Una nang binigyang diin ng pangulo na walang puwang sa hanay ng PNP ang korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan at iba pang katiwalian at iligal na gawain.

Para sa pangulo, dapat na taglayin ng mga pulis ang pinakamataas na pamantayan ng mabuting pulis upang tularan ito ng kanilang mga tauhan.

Sa panig aniya ng gobyermo, sinabi ng pangulo na hahanap ito ng mga paraan para isulong ang modernisasyon sa Pambansang Pulisya tungo sa progreso at pag-unlad.

Facebook Comments