PNP, inihahanda na ang kaso laban sa mga miyembro ng BIFF na nasa likod ng pananambang sa Maguindanao del Sur

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang grupong nasa likod ng pananambang sa Barangay Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng dalawang pulis at ikinasugat ng apat na iba pa noong Hunyo 14.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Sa ngayon, tuloy ang kanilang ugnayan sa regional director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region sa mga testigo sa krimen upang maipagharap na ng kaso ang mga salarin na pawang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Una nang namatay sa pananambang sina Patrolman Saiponden Shiek Macacuna at Patrolman Bryan Polayagan habang sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sina Patrolman Arjie Val Loie Pabinguit, Patrolman Abdulgafor Alib, Police Staff Sgt. Benjie Delos Reyes, at Police Chief Master Sgt. Rey Vincent Gertos.

Ani Fajardo, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, patuloy ang pagpapanatili ng PNP sa kapayapaan at kaayusan sa Maguindanao del Sur.

Facebook Comments