Nagiimbestiga na ang Philippine National Police (PNP) para matukoy kung totoo ang impormasyon ni Senator Richard Gordon na posibleng nagiging spy ng China sa bansa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO centers.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, dumami ang bilang ng mga Chinese sa Pilipinas kaya dumami rin ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga ito kaya naman hindi nila inaalis ang posibilidad na ang mga chinese na ito ay magamit rin bilang spy ng China.
Aniya, sa ngayon wala pang ebidensya na nagagamit ang mga Chinese POGO workers para mag mag-spy sa bansa.
Kaugnay nito kinumpirma naman ni Banac na hindi pagmamayari ng Chinese national na suspek sa pamamaril sa Makati ang People’s Liberation Army ID na narekober dito.
Sa imbestigayson aniya ng PNP lumalabas na hindi nila pagaari ang ID dahil hindi nila ito pangalan at larawan.
Posible ayon kay Banac na dala-dala lamang ito ng suspek pero nakikipagugnayan na sila sa Chinese Embassy kaugnay dito.
Magsasagawa rin daw ang PNP ng monitoring sa mga POGO workers na nasa bansa upang hindi na maulit ang krimen at matukoy kung sila ay nagsisilbing spy sa Pilipinas.