Pnp, Iniimbestigahan Na Rin Ang Pagkawala Ng Iba Pang Dayuhan Sa Bansa … Imbestigasyon Sa Kaso Ng Koreanong Si Jee Ick J

8

MANILA – Iniimbestigahan na ng philippine national police anti kidnapping group ang iba pang kaso na pagkawala ng iba pang dayuhan sa bansa na ang istilo ay gaya ng nangyari sa koreanong si jee ick joo.Ayon kay s/ supt glenn dumlao, hepe ng pnp-akg, naniniwala silang hindi lang si jee ang naging biktima ng grupo ni po3 ricky sta. Isabel.Aniya, sistematik ang modus dahil halos walang bakas na naiiwan sa krimen.Sinabi naman ni dumlao na walang korean mafia sa bansa kundi mga pinoy rin ang miyembro ng sindikato.Aniya, nagkakataon lang na minsan aniya ay kasabwat ng mga ito ang mga koreano.Samantala … nanindigan naman ni c/ supt. Arron aquino, director ng police regional office-3, na may presensiya ng korean mafia sa pampanga at umaasa silang mabubuwag ang mga ito.Sa susunod na linggo ay ilalabas na ng pnp at nbi joint task force ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa kaso ni jee.

Facebook Comments