Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na tumawag sa kanilang ‘helpline 16677’ para sa anumang katanungan o isyu na may kinalaman sa mga patakaran kaugnay sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at General Community Quarantine (GCQ), o ang tinatawag na ‘new normal’.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, sa pakikipagtulungan ng PLDT, nailunsad ang ‘helpline 16677’ na layuning magkaroon ng quick response mechanism sa mga reklamo o katanungan ng mga apektado ng ECQ at GCQ.
Ayon naman kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na ang PNP Directorate for Operations – PNP Command Center (DO-PCC) ang magsisilbing communication hub para sa lahat ng ECQ and GCQ concerns.
Maliban pa ito sa kanilang pang-araw-araw na monitoring ng police operations at pagbibigay ng updates sa law enforcement activities ng iba’t ibang unit ng PNP.
Siniguro ni Gen. Gamboa na available 24/7 ang PNP Helpline 16677 upang agad na makapagbigay ng assistance sa publiko.