PNP, inilunsad ang ‘Titser Ko Pulis’ para tulungan ang mga anak ng mga pulis

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang programa na layong tulungan ang mga anak ng mga pulis na nag-a-adjust sa bagong learning modalities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, sa ilalim ng “Titser Ko Pulis” program ay tutulungan ang mga anak ng mga pulis at civilian employees na nahihirapang mag-adapt sa online at modular-type ng learning.

Ang proyekto ay nakapaloob sa Police Community Affairs at Development Group at sa PNP Officers’ Ladies Club.


Sabi pa ni Cascolan, ang programa ay hindi lamang ilalatag sa loob ng Camp Crame pero maging sa mga Police Regional Offices.

Ang proyekto ay accredited ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at bahag ng PNP Gender and Development Plan and Budget.

“Titser Ko Pulis is mainly one of our community engagement programs that would help our young students, especially our personnel’s children and our commitment to the people in helping the communities to build their future,” ani Cascolan.

Nasa pitong police personnel at school administrators na ang sumailalim sa training at kwalipikado bilang DSWD Child Development Center workers na siyang magpapatupad ng programa.

Facebook Comments