Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang kapwa nila pulis dahil sa pangongotong.
Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Jonathan dela Cruz, kasalukuyang Chief, Intelligence Officer ng Norzagaray Municipal Police Station.
Ayon kay PNP-IMEG Director Brigadier General Ronald Lee, inaresto si Dela Cruz sa ikinasang entrapment operation sa loob ng kanyang opisina sa Norzagaray Police.
Sa imbestigasyon ng PNP-IMEG, kinuha ni Dela Cruz ang isang motorsiklo na kanilang nakumpiska sa isang anti-drug operation noong August 26 pero hindi inilista bilang kasama sa mge ebidensya.
Nanghihingi pa ang naarestong pulis nang ₱10,000 para i-release ang motorsiklo.
Kaya naman ikinasa ang entrapment operation at nabawi ang motorsiklo.
Sa ngayon, nahaharap si Dela Cruz sa kasong robbery extortion at carnapping.