Manila, Philippines-Kumikilos na ang PNP Internal Affairs Service (IAS) upang imbestigahan ang mga impormasyon na ibinunyag ni Retired SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig ng Senado.
Ayon kay PDIR. Leo Angelo Leuterio – deputy inspector general ng PNP, may mga bagong impormasyon na lumabas sa testimonya ni Lascañas na kanila na ngayon isasalang sa verification.
Sinabi ni Leuterio, na gumagana na ang kanilang Fact Finding upang isalang sa validation ang mga pangalan na binanggit ni Lascañas.
Partikular na target nila ay mga pulis na nasa active service.
Ilan sa mga binanggit na pangalan ay sina PS.Supt. Rommel Mitra na ngayon ay Chief Directorial Staff ng PNP Region 3, PS. Supt. Antonio Rivera na siyang Deputy chief ng Davao City Police at SPO1 Jim Tan.
Habang si SPO4 Sonny Buenaventura ay nagretiro na sa serbisyo.
Nabanggit din ang pangalan nina PS. Supt. Vicente DanaO na ngayon ay ChieF Directorial Staff ng CIDG at PDG Ronald Bato Dela Rosa ngunit wala umano ito sa naunang testimonya ni Lascañas.
Paliwanag ni Leuterio, na importante na magkaroon sila ng kopya ng authenticated testimony ni Lascañas na siyang batayan ng kanilang pag-iimbestiga.
O di kaya ay ang record ng senate proceedings ang kanilang kukunin para sa isinasagawang imbestigasyon.
Facebook Comments