Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hunyo 22.
Sa abiso ng PNP, suspendido ang lahat ng permits to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa nasabing araw simula alas-12 ng hatinggabi hanggang sa alas-11:59 ng gabi.
Ang nasabing suspensiyon ay para makasigurado sa kaligtasan ng pagdaraos ng sona ni Pangulong Marcos sa Kongreso.
Una nang sinabi ni PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo na nakatutok ang mga awtoridad sa seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa Complex para sa mga sibilyan at raliyista.
Facebook Comments