PNP, ipatutupad lahat ng precautionary measures upang matiyak ang maayos at mapayapang SONA ni PBBM

 

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na kanilang ipatutupad ang lahat ng precautionary measures upang matiyak ang maayos at mapayapang State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Lunes, July 22, 2024.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, hindi nila isinasantabi ang anumang attempt ng kaguluhan sa araw ng SONA.

Iginiit nito na po-protektahan ng Pambansang Pulisya ang pangulo at ang taumbayan sa abot ng kanilang makakaya sa lahat ng pagkakataon.


Samantala, sinabi naman ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo na mayroon ng dalawang grupong nag-apply ng permit to rally, isang anti-government at isang pro-government subalit patuloy pa ring inaantay hanggang sa kasalukuyan kung aaprubahan ang kanilang permit.

Kaugnay nito ini-activate na ng PNP ang kanilang Task Force Manila Shield sa tulong ng augmentation force mula sa Police Regional Office 4A o CALABRAZON at Police Regional Office 3 o Central Luzon.

Ipinaalala din ng PNP na iiral ang gun ban sa Metro Manila mula July 20 hanggang July 22 bilang bahagi parin ng seguridad sa SONA ng pangulo.

Facebook Comments