PNP, ipatutupad na ang warrant of arrest laban kay Atong Ang

Handa na ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang warrant of arrest laban kay Charlie “Atong” Ang.

Kasunod ito ng inilabas na warrant of arrest ng RTC Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna ng warrant of arrest laban kay Atong Ang at iba pa para sa kasong kidnapping with homicide, isang non-bailable offense, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Acting PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Regional Trial Court ng Sta. Cruz, Laguna para sa agarang pagpapatupad ng arrest warrant.

Ayon kay Nartatez, natukoy na rin ng pulisya ang mga posibleng kinaroroonan ni Ang, kung saan ihahain ang warrant.

Tiniyak ng PNP na tuloy-tuloy ang operasyon hanggang maipatupad ang utos ng korte.

Facebook Comments