Kasabay nang pagsisimula ng Balikatan Exercise 2024, ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang partisipasyon ng PNP Special Action Force (SAF).
Ayon kay Gen. Marbil, pagpapakita ito ng commitment ng Pambansang Pulisya na palakasin ang kanilang partnership sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa Indo Pacific region.
Aniya, handa ang PNP na makiisa sa pinakamalaking joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Nabatid na nasa 156 na SAF troopers ang kasali sa Balikatan Exercise.
Samantala, nagsagawa ng pagsasanay ang SAF na rapid deployment by air kabilang na ang basic Airborne Course Class na personal na sinaksihan ni PNP Chief Marbil sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna nitong Abril 11.