PNP, ipinagmalaki na napabilang ang Pilipinas sa mga pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia

Ipinagmalaki ni PNP chief Benjamin Acorda Jr., na napabilang ang Pilipinas sa mga pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia.

Batay sa Gallup 2023 Global Law and Order report, pumangatlo ang Pilipinas sa safest country sa Southeast Asia na may score na 86 sumunod sa Vietnam at Indonesia na kapwa nakakuha ng score na 90.

Sabi ni Acorda na malaki ang maitutulong nito upang mas marami pang investors at turista ang mahikayat na bumista sa ating bansa.


Binigyan-diin din ng PNP Chief na malaki ang suporta ng komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Pilipinas.

Facebook Comments