PNP, ipinagmalaki na walang karapatang pantao na nalabag sa SONA ni PBBM kahapon

Gagamiting batayan sa mga susunod na State of the Nation Address o SONA ang naging latag ng seguridad kahapon.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) makaraang ideklara na generally peaceful sa pangkalahatan ang idinaos na SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa PNP, batay sa kanilang monitoring ay walang nasaktan sa mga ikinasang kilos-protesta mula sa hanay ng mga pro at anti-administration protesters at naging mapayapa ang kanilang ikinasang pagkilos.


Kasunod nito, dumepensa ang PNP sa naging pahayag ng isa sa mga raliyista na tila nabastusan dahil sa pagbi-videoke ng mga pulis sa halip na pakinggan ang hinaing ng mga militante.

Paliwanag ng PNP, totoong naglatag sila ng mga banda at mang-aawit dahil ang layunin nitong aliwin ang mga pulis na naka-deploy mula pa noong weekend at hindi para tapatan ang kilos-protesta ng mga militanteng grupo.

Facebook Comments