PNP, ipinagmalaki sa Kamara ang resulta ng oplan double barrel reloaded

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng PNP na nasa dalawampu’t tatlo na ang napapatay na drug suspects sa operasyon ng pulisya sa loob pa lamang ng isang Linggo matapos ilunsad ang oplan double barrel reloaded.

 

Sa briefing sa House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Director Camilo Cascolan ng PNP Directorate for Operations na less bloody ang pagbuhay muli sa oplan tokhang kumpara noong una.

 

Nasa 834 na ang naaresto ng Pulisya sa inilunsad na 519 operations ng PNP at umabot naman sa 1,312 ang nagsisuko na sa ilalim ng oplan double barrel reloaded.

 

Sa loob din ng isang Linggo, 10,636 na bahay na ang kanilang nabisita sa mga isinagawang oplan tokhang.

 

Ayon pa kay Coscalan,  ang oplan double barrel reloaded ay naka sentro sa dalawang bahagi ang project tokhang revisited at project high value target revalidated.

Facebook Comments