PNP, ipinagmalaking naging epektibo ang kampanya kontra droga

Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang huling Social Weather Stations (SWS) survey na mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang nabawasan ang drug personalities sa kanilang komunidad.

Base sa fourth quarter 2018 survey, 66% ng mga Pinoy ang nagsabing kumaunti ang presensya ng drug users at pushers sa kanilang lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac – patunay lamang nito na ganap na epektibo ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.


Tiniyak ng PNP na patuloy nilang ipatutupad ang mahigpit na kampanya para mapaliit, kung hindi man mawakasan ang paglaganap ng droga sa bansa.

Sa huling tala ng PNP, aabot na sa kabuoang 5,104 drug suspects ang namatay sa drug war habang nasa 167,135 drug personalities ang naaresto habang nasa ₱25.62 billion na halaga ng ilegal na droga at laboratory equipment ang nakumpiska.

Facebook Comments