PNP, ipinapaubaya na sa Comelec ang pagsabak sa pulitika ni Quiboloy

PHOTO: Radyoman Emman Mortega

Karapatan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na tumakbo sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) sa pamamagitan ng kaniyang abogado si Quiboloy para sa pagka senador.

Ayon kay Fajardo, hangga’t wala pang pinal na hatol na inilalabas ang Korte ay malaya pa itong makakatakbo sa halalan.


Pero, ipinapaubaya na lamang nila sa Commission on Elections (COMELEC) kung hahayaan nilang tumakbo sa Eleksyon 2025 si Quiboloy.

Si Quiboloy ay nakapiit ngayon sa PNP Custodial Facility at nahaharap sa iba’t ibang kaso tulad ng child abuse at qualified human trafficking. Bukod pa ito sa kinakaharap niyang mga kaso sa Amerika, kabilang ang fraud and coercion, sex trafficking of children, conspiracy at bulk cash smuggling, at iba pa.

Facebook Comments