PNP Isabela, Naka-full Alert Status Ngayong Huling SONA ni Pangulong Duterte

9

Cauayan City, Isabela- Naka-full alert status na ang buong pwersa ng kapulisan sa Lalawigan ng Isabela sa pamumuno ni Police Colonel James Cipriano, provincial director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) para sa paghahanda sa huling yugto ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Lunes, July 26, 2021.

Ito’y upang masiguro ang seguridad at may sapat na pwersa ang kapulisan na handang tumugon sa anumang hindi inaasahang pangyayari gaya ng pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga progresibong grupo sa Lalawigan.


Facebook Comments