PNP Isabela, Pinaghahandaan ang Maaring Pagbisita ni Pangulong Duterte!

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan ng kapulisan ang maaring pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino na layunin umano ng pagpunta ni Pangulong Duterte na bigyan ng pagpupugay ang nasawi na isang bayani na pulis na si Police Chief Inspector Michael Angelo TubaƱa na napaslang kamakailan sa isinagawang drug buy bust operation sa Mallig, Isabela.

Sinabi pa ni Police Regional Director Espino na bahagi rin sa magiging agenda ng pangulo ay pulungin ang kapulisan sa buong rehiyon dos hinggil sa proteksyon at ang umiigting na kampanya laban sa droga at kriminalidad ng bansa.


Samantala ang labi ng hepe ng PNP Mallig Isabela ay nakaburol sa Saint Peter Chapel sa Gamu, Isabela.

Facebook Comments