PNP, isusumite na ngayong araw sa Malakanyang ang rekomendasyon kung palalawigin ang martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Inaasahang isusumite ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte kung papalawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, tinapos na nila kahapon ang kanilang position paper na magpapaliwanag kung bakit dapat i-extend ang batas militar sa Mindanao.

Pormal aniya nilang ipapadala ang papel sa Malakanyang.


Hindi naman masabi ni Bato kung ilang araw ang hihilingin nilang extension at kung buong Mindanao pa rin ang sasakupin ng batas militar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments