PNP, itinanggi ang ulat ng isang international news agency tungkol sa pagbabayad sa mga pulis sa kada napapatay na drug suspect

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni PNP Spokesman ChiefSuperintendent Dionardo Carlos ang lumabas na balita sa Reuters News Agency kaugnaysa pagbabayad umano sa mga pulis na pumapatay sa mga suspek sa iligal na droga.
  Ayon kay Carlos, hindi totoo ang nasabing ulat at waladin silang inilalabas na utos hinggil sa nasabing isyu kung saan sinabi pa ng Reutersna nagtatanim ng ebidensiya ang mga pulis at nagsasagwa ng pagpatay na isinisinaman sa mga vigilante.
  Sinasabing nakuha ng Reuters ang impormasyon mula sadating intel-officer ng PNP na kumausap umano sa labing pitong pulis na kasamasa mga operasyon.
  Batay sa report ng Reuters, P20,000.00 ang ibinayad sapulis na nakapatay sa mga “street level pusher at user” habang P50,000.00 parasa mga miyembro ng “neighborhood council na sangkot sa iligal na droga “, isangmilyong piso para sa mga “distributors, retailers at wholesalers, atlimang milyong piso para naman sa mga “drug lords”.
  Ni-review na din umano ng Commission on Human Rights angnasabing ulat at sinabing maaaring makapagbukas muli ito ng bagong lead para samga imbestigasyon.
 
 

Facebook Comments