
Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na overkill o sobra-sobra ang deployment ng mga personnel sa nagaganap na rally simula kahapon.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ng Spokesperson ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Major Hazel Asilo na hindi nila masasabing overkill ito kundi naghanda lang ang ahensya para maiwasan ang posibleng gulo kagaya noong Setyembre 21.
Dagdag pa niya, firetrucks at bus lang ng mga personnel ang nasa lugar at hindi ang mga tangke na kumakalat sa social media.
Sa kabuuan, nasa mahigit 16,000 PNP ang idineploy na PNP personnel sa 3 araw na rally ng Iglesia ni Cristo.
Kaugnay nito as of 9:30 ngayong umaga nasa 13,751 ang dineploy na PNP personnel at ang natira sa nasabing kabuuang bilang ay nagpahinga dahil sa rotation system na ginawa ng ahensya.










