PNP, itinangging bahagi ng kanilang kultura ang pagkakaroon ng “quota” o “reward” system para hulihin at patayin ang mga sangkot sa ilegal na droga

Mariing pinabulaanan ng Pambansang Pulisya na mayroong institutionalized quota o reward system sa paghuli o pagpatay sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, ang reward system ng PNP ay limitado lamang sa paghuli ng mga most wanted person, at ito ay dumaraan sa tamang proseso.

Sinabi pa ni Fajardo na walang PNP Chief na papayag na gawing dahilan ang reward para pumatay ng tao at kanilang pinaninindigan na hindi ito nakaugat sa kanilang institusyon.


Bagama’t aminadong may mga insidente kung saan may mga namatay sa mga lehitimong operasyon ng pulisya, ngunit ipinaalala rin ng opsiyal na may mga pulis din na nagbuwis ng buhay sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Samantala, muling tiniyak ni Fajardo, bukas ang PNP sa anumang imbestigasyon, tulad ng kanilang naging pakikiisa sa mga nakaraang pagsisiyasat, kabilang ang isinagawa ng Quad Comm ng Kongreso.

Facebook Comments