PNP, itinangging may undercounting sa bilang ng mga nasasawi sa anti-illegal drug operation ng pamahalaan

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na mayroong undercounting sa bilang ng mga nasasawi sa anti-illegal drug operation simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, hindi nila alam kung ano ang naging batayan ng Human Rights Watch (HWR) sa kanilang datos.

Wala rin aniyang history ang PNP ng undercounting o pagtatago ng bilang ng mga nasasawi dahil transparent sila sa pag-uulat nito.


Nauna nang sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na base sa report ng PNP, mayroon lamang 46 na tao ang napatay sa mga anti-drug operations nang magsimula ang Marcos administration noong June 30 pero base monitoring nila, umabot na sa 127 ang naitalang patay mula July 1 hanggang November 7 ngayong taon.

Binigyang-diin pa ni Robertson na dina-downplay ng PNP ang recent killings sa war on drugs sa pamamagitan ng paggigiit na “very minimal” lang ang mga nasasawi.

Facebook Comments