PNP, itinangging nagbabahagi sila ng “red-tagging” posts sa social media

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang mga alegasyong nagbabahagi ng red-tagging posts sa social media ang mga local police station nito.

Pinabulaanan din ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na nagsasagawa sila ng profiling sa mga organizer ng community pantry.

Giit ni Eleazar, masyado nang abala ang lahat sa pagtutok sa COVID-19 pandemic at wala silang panahon para gumawa ng mga bagay na makakasira sa imahe at reputasyon ng PNP.


Gayunman, pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pulis na maging maingat sa pagpo-post sa social media para hindi ito ma-misinterpret ng mga tao.

Matatandaang noong Abril nang suspendihin ang operasyon ng Maginhawa Community Pantry matapos na ma-red tag ng state forces at ilang government officials sa social media ang organizer nito.

Facebook Comments