Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang tila pananamlay ng anti-illegal drug campaign ng pulisya.
Ayon sa bagong tagapagsalita ng PNP na si Police Col. Roderick Agustus Alba, katunayan ay mas pinaigting nila ang pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) para mapanagot ang mga sangkot sa iligal na gawain.
Patunay rito ang bilyun-bilyong halaga snghabu na nasabat sa magkakasunod nilang operasyon.
“We believe that, ano, kasi records will speak for itself. In fact, lalo po nating pinaigting yung ating kampanya,” giit ni Alba.
“Last month nga po ‘di ba meron tayong worth P5 billion na illegal drugs, na na-confiscate tsaka na-neutralize yung mga drug traffickers. Even last week ‘no, meron tayong mga P1 billion worth of shabu nan a-confiscate,” dagdag niya.
Dagdag pa ni Alba, hindi porket walang napapatay na drug suspect ay nangangahulugan na itong hindi matagumpay ang kanilang mga operasyon.
“Well, perception po [yan] ng iba, ang importante ginagawa ng ating Philippine National Police ang pagpapaigting. Hindi po nawawalan ng dedication and focus yung ating Philippine National Police,” aniya pa.