PNP, itinangging nasa kustodiya nila si dating BuCor Chief Gerald Bantag

Pinabulaanan ng Philippine National Police ang pagsuko at pagdala sa Camp Crame kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Ito’y kasunod na rin ng kumalat na balita na dinala si Bantag sa Crame matapos umanong magbigay ng surrender filler.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, wala si Bantag sa krame matapos nya itong beripikahin sa lahat ng operating units.


Wala ring impormasyon sa pagsuko ni Bantag si Headquarters Support Service Director Police BGen. Mark Pespes.

Matatandaang naglabas ang Muntinlupa City RTC ng mandamyento de aresto laban kina Bantag at sa Deputy Chief nito na si Ricardo Zulueta dahil sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at ang sinasabing middleman sa kaso na si Jun Villamor.

Ani Fajardo, tuloy ang manhunt operations ng PNP tracker team laban sa dalawang pugante.

Facebook Comments