PNP, itinangging nasa likod ng pagdukot sa kapatid ng isang aktibista sa Batangas

Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) na sila ang nasa likod ng pagdukot kay Jose Marie Estiller, nakatatandang kapatid ng dating political prisoner at AMIHAN activist na si Jean Estiller.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa ngayon wala silang natatanggap na impormasyon hinggil dito.

Ani Acorda, sakali mang mayroong may impormasyon hinggil sa nasabing insidente ay pwedeng lumapit sa kapulisan at kanila itong tutulungan.


Giit pa ni Acorda, wala ring katotohanan na ang militar ang nasa likod ng pagkawala ni Estiller.

Sa CCTV footage na lumabas online, makikitang dinukot ang biktima habang papasok ng kanyang tahanan kung saan 5 armadong lalake ang kumuha dito.

Una nang naglabas ng pahayag ang League of Filipino Students (LFS) kung saan kanilang kinokondena ang pagdukot kay Estiller na nangyari broad daylight at sa isang subdivision.

Kanila ring ipinanawagan sa gobyerno na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang mastermind sa pagdukot sa biktima.

Facebook Comments