Pinabulaanan ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na may halong pulitika ang ginagawa nilang pag-iimbestiga sa umano’y banta sa buhay ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Lt. Michelle Sabino, non-partisan ang PNP at wala silang pinapaborang kandidato sa eleksyon.
Ginawa ng PNP-ACG ang pahayag matapos ang statement ng Kabataan Partylist na sila ay isinasangkot ng PNP at Department of Justice (DOJ) sa assassination plot laban kay Marcos na naka-post sa TiktTok.
Sinabi pa ng Kabataan Partylist na masama ang kanilang loob dahil kahit hindi pa man daw validated ang umano’y assassination plot ay isinasangkot na sila.
Pero para kay Lt. Sabino, may masusing imbestigasyon na silang ginagawa para sa pagsasampa ng kaso sa mga sangkot dito.