PNP, itinuturing na hamon ang banta ng isang senador na maaaring maapektuhan ang kanilang 2025 budget kung hindi maaaresto si suspended Mayor Guo

Hamon para sa Philippine National Police (PNP) ang banta sa kanila ni Sen. Jinggoy Estrada na maaaring maapektuhan ang kanilang 2025 budget kung hindi mahahanap at maaaresto si suspended Mayor Alice Guo sa loob ng 1 buwan.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, isa itong challenge sa hanay ng Pambansang Pulisya at kanila naman itong tinatanggap.

Sinabi ni Fajardo, sa ngayon ay puspusan ang kanilang paghahanap kay Guo.


Gagawin aniya ng PNP ang lahat upang mahanap, maisilbi ang warrant of arrest at madala sa Senado ang suspendidong alkalde.

Maaalalang sa huling pagdinig sa Senado, no show pa rin si Guo hinggil sa umano’y koneksyon nito sa illegal POGO operations dahil ito umano ay stressed at may sakit.

Facebook Comments