PNP, itinuturing na welcome development ang pagbuo ng task force ng DOJ na siyang mag-iimbestiga sa umano’y EJK sa nakalipas na Duterte admin

Welcome development para sa Philippine National Police (PNP) ang pagbuo ng Task Force ng Department of Justice (DOJ) na mag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng war on drugs noong Duterte administration.

Ayon kay PNP Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, makikipagtulungan ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) at DOJ upang magkaroon ng credible investigation sa mga kontrobersyal na kaso na tinalakay sa quad comm hearing.

Nauna nang nagsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat ang Pambansang Pulisya sa mga sensational cases partikular na ang kaso ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga.


Sa ngayon, kinukumpleto na lamang ang ilang dokumento para sa pagsasampa ng murder cases sa mga nasa likod ng pagpatay kay Barayuga.

Facebook Comments