PNP, kilala na ang “Angels of Death” ni Quiboloy

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang kasapi ng tinaguriang Angels of Death ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nakausap na niya si Police Regional Office 11 (PRO 11) Director PBGen. Nicolas Torre III kung saan may ilang pangalan na silang tinitingnan sa ngayon.

Aniya, kanila nang pinapaimbestigahan sa Firearms and Explosives Division kung mayroong license to own and possess firearms o LTOPF at rehistro ng baril ng mga ito.


Saka-sakaling mayroon ay hihilingin nila sa FEO na i-revoke ang LTOPF at rehistro ng baril ng tila private armed group ni Quiboloy.

Una nang ibinunyag ng PNP na ginawa umanong panakot ni Quiboloy ang Angels of Death sa kanyang mga menor de edad na biktima na kung saan ay hahabulin sila nito kapag nagkwento ng mga karanasan na kanilang sinapit sa kamay ni Quiboloy.

Facebook Comments