PNP, kinumpirma na ang mga labi ng beauty pageant candidate at kasintahan ang natagpuan sa Tarlac kaninang umaga

Inanunsyo nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief PGen Rommel Francisco Marbil na ang nadiskubreng bangkay sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac kaninang umaga ay ang mga labi ng beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at kasintahang si Israeli Yitshak Cohen.

Ito ay makaraan ang isinagawang masusing imbestigasyon ng SITG-GENESAAC.

Isinagawa ang paggalugad sa nasabing bahagi ng quarry site sa Capas, Tarlac matapos magpalabas ng search warrant ang korte.


Dinala na ang mga labi ng dalawang biktima sa punerarya sa San Vicente, Tarlac at isasailalim sa autopsy examination at DNA testing/analysis.

Maaalalang nawala ang magkasintahan noong June 21, 2024 makaraang makipagkita sa isang middleman ng lupain na kanila sanang bibilhin.

Facebook Comments