Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mga totoong pulis ang nagpunit ng mga election form na nakunan ng video at ngayon ay trending sa social media.
Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na batay aniya sa ulat mula sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang video footages ay kinuha sa Datu Ayunan Elementary School, MB Kalanganan, Cotabato City kung saang mga pulis ang nagsilbing Special Electoral Board (SBEI).
Ang pinunit na mga election form o official ballot sheets ng mga pulis ay mga blangko o hindi nagamit kaya pinunit ng mga pulis na authorized ni Atty. Nasroding M. Mustapha, Cotabato City Election Officer.
Batay raw kasi sa Commission on Elections (COMELEC) Omnibus Election Code ang lahat ng bakante o hindi nagamit na ballot sheet pagkatapos ng oras ng botohan ay dapat agad na punitin.
Kaya naman payo ni Alba sa publiko na maging maingat sa paggamit ng social media dahil marami ang nagpapakalat ng maling impormasyon.