
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naaresto na si former Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste kung saan sya humirit ng asylum.
Ito’y makaraang i-post sa social media ng kanyang anak na si Axl Teves ang pagkakadakip sa kanyang ama.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental.
Wala pang ibang detalye na inilalabas ang Pambansang Pulisya sa pag-aresto kay Teves.
Facebook Comments









