Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) sa pagtatanggal ng campaign materials para sa halalan.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, tutulong sila sa paglilinis ng mga lugar dahil nais nilang panatilihin ang pagiging neutral o walang kinikilingan.
Paliwanag niya, alam nilang maraming election-related materials sa mga bawal na lugar pero tali ang kanilang kamay dahil Comelec ang may kapangyarihan sa bagay na ito.
Gayunman, handa silang sumunod sa utos ng Comelec.
Tiniyak naman ng PNP chief na maging sa mga kampo at police stations ay ipagbabawal ang pagkakabit ng campaign materials.
Facebook Comments