PNP, kulang sa manpower para tiktikan ang milyon-milyong social media accounts

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na kulang sila sa tauhan para i-monitor ang milyon-milyong social media accounts para maghanap ng posibleng paglabag sa pandemic lockdown.

Dahil dito, ayon kay Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nakatutok sila sa mga reklamong ipinapadala sa kanila online at sa mga viral post na nagpapakita ng quarantine violations.

Aniya, bago pa man magkaroon ng pandemya, inaaksyunan na ng PNP ang mga reklamo sa social media lalo’t lantaran naman itong ibinabahagi sa publiko.


Nilinaw naman ni Eleazar na hindi agad aarestuhin ang mahuhuling lumalabag sa quarantine protocols sa pamamagitan ng social media kung may umiiral na ordinansa sa mga lungsod na nagpapataw ng community service at multa sa mga violators.

Facebook Comments