PNP kumikilos na para mahanap ang boyfriend ng biktima ng ecstasy overdose sa Cebu

Gumagawa na rin ng hakbang ngayon ang PNP para mahanap ang boyfriend ng biktima ng ecstacy overdose sa Cebu na si Ashley Abad.

Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nasa PNP Region 7 na ang diskarte kung paano mahahanap ang suspek na si Neil Spencer Tiu.

Itinuturing ito na suspek sa pagkamatay ni Abad dahil sa paniniwalang sa kaniya galing ang ininom nitong ecstacy.


Binibigyan nila ng hanggang ika-11 ng Pebrero, 2019 itong si Tiu upang humarap sa mga Pulis.

Kapag hindi pa ito magpakita ay hihilingin nila ang Subpoena powers ni Gen. Albayalde upang damputin ito ng mga pulis.

Ito ay matapos ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin si Tiu makaraang makausap ng personal ang mga magulang ni Abad na humingi sa kaniya ng tulong.

Sa report ng PDEA , namatay si Abad dahil na overdose sa ecstasy.

Si Abad ay nag collapse sa isang pre-Sinulog concert sa Cebu Business Park noong January 19 at tuluyan itong namatay sa ospital at simula noon ay hindi na nagpakita ang kaniyang Boyfriend na si Tiu.

Facebook Comments