PNP, kumpiyansang nasa KOJC compound pa rin si Quiboloy

Positibo ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa nakakalabas sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao city ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, malaki ang posibilidad na mayroong informant ang puganteng pastor kung kaya’t hindi nila ito mahuli.

Aniya, sa tuwing may nade-detect ang kanilang equipment na sign of life sa ilalim ng lupa ay tila tumatakbo ito at lumilipat ng ibang lugar.


Bukod dito, ipinunto rin ni Fajardo na isa ring indikasyon na nananatili pa sa compound si Quiboloy ay ang matinding resistance ng kaniyang mga taga suporta na pumipigil sa ginagawang operasyon at paghahalughog ng kapulisan sa lugar.

Una na ring sinabi ni PRO11 Regional Director, PBGen. Nicolas Torre II na kumpiyansa silang malapit nang maaresto ang puganteng pastor.

Facebook Comments