Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Director for Operations PMaj. Gen. Valeriano de Leon na itutuloy ng susunod na administrasyon ang pinaigting na kampanya kontra droga ng gobyerno.
Ito ay sa harap na rin ng mga haka-hakang matatapos na ang “drug war” sa pagtatapos ng termino ng Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Ayon kay De Leon, maganda ang nasimulan ng Pangulong Duterte sa laban kontra droga, at wala siyang nakikitang dahilan para hindi ito ipagpatuloy ng susunod na administrasyon.
Sa hanay aniya ng PNP, ay tuloy-tuloy lang ang kanilang kampanya laban sa droga at mas palalakasin pa dahil “inherent function” ito ng PNP.
Kasabay aniya ng pinalawig na law enforcement Operations, palalakasin din ang information drive sa mga estudyante na kalimitang target customers ng mga drug syndicates.
Tututukan din aniya ng PNP ang rehabilitasyon at re-integration ng mga drug dependents sa ilalim ng bagong polisiya.