PNP, mag-iinspeksyon sa mga gumagawa at nagtitinda ng paputok

Nakatakdang mag-ikot si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga tindahan ng paputok.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, upang matiyak na nasusunod ang safety measures na inilatag ng gobyerno.

Ayon kay Fajardo, nais nilang maiwasan na maisakripisyo ang kaligtasan ng publiko lalo’t nagbigay na sila ng permit sa mga manufacturer at retailer ng paputok.


Nabatid na 28 ang nabigyan ng permit ng PNP para sa pag-manufacture ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.

Habang 95 ang nabigyan ng permit para magbenta ng paputok.

Sasailalim sila sa random inspection ng Regional Civil Security Units na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments