PNP, magbibigay ng libreng sakay kasunod ng naka ambang tigil-pasada

Nakahanda ang Philippine National Police na magbigay ng libreng sakay sa mga commuters kasunod nang ikakasang malawakang tigil-pasada ng iba’t ibang transport group.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, palaging nag-aalok ang Pambansang Pulisya ng libre sakay sa twing may ganitong transport strike upang umagapay sa mga mananakay.

Ipinag-utos na rin aniya ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na i-standby ang lahat ng mobility assets ng PNP para maasistehan ang mga commuters na walang masasakyan.


Ani Fajardo, nakipag-coordinate na rin ang PNP sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa libreng sakay sa kani-kanilang nasasakupan.

Base sa plano ng transport sector, isang linggo ang ikakasa nilang tigil-pasada simula sa Lunes, Marso a-sais kung saan mariin nilang tinututulan ang naka ambang pag phaseout ng mga traditional jeepneys.

Facebook Comments