Nakalatag na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni United States Vice President Kamala Harris sa darating na Nobyembre a-20 hanggang a-22.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, mayroong security plan ang Presidential Security Group (PSG) para sa pagbisita ni Harris at ang PNP ang siyang mangangasiwa rito.
Nabatid na darating sa bansa si Harris matapos ang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (ASEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Base sa paunang impormasyon, kabilang sa mga bibisitahin ni Harris ang isla ng Palawan na malapit lamang sa Spartly’s island.
Makikipagpulong din si Harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte sa Nobyembre 21 para paigtingin ang security at economic ties.
Nakatakda ring makipagpulong si Harris sa civil society activists at maging sa mga kabataan at kababaihan.