PNP, magde-deploy ng 2,000 pulis dahil sa inaasahang kilos-protesta ngayong araw

Magpapakalat ng 2,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila para sa mga inaasahang kilos-protesta ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, ang deployment ay mula sa National Capital Region Police Office o NCRPO.

Ito’y para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang mga kilos-protesta.


Nabatid na kasama sa sentro ng programa ng multi-sectoral groups ang People Power Monument sa EDSA sa umaga.

Habang mamayang hapon naman sa Liwasang Bonifacio.

Ayon sa grupong lalahok sa kilos-protesta, kinokondena nila ang lumalalang kahirapan sa bansa, mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin at iba pa.

Nanawagan din sila ng aksyon para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at prosekusyon ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments