Nagdeploy na ng karagdagang puwersa ang PNP sa Negros Island para tumulong sa pagresolba sa mga sunod sunod na kaso ng patayan sa Isla.
Ayon kay Police General Oscar Albayalde, tutulong ang 300 miyembro ng PNP Special Action Force sa local police sa anti criminality campaign at internal security operations.
Ito ay sa mga lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental.
Batay sa rekord ng Negros Oriental PNP may 20 nang biktima ng pagpatay sa kanilang lalawigan kasama na ang apat na Pulis na umano ng NPA sa bayan ng Ayungon.
Sa ngayon aniya ay puspusan pa ang pag iimbestiga ng PNP kung anong grupo ang nasa likod ng mga kaso ng pagpatay.
Katwiran ng hepe ng pambansang pulisya, hindi malayong isinasakripisyo ng NPA ang kanilang mga kasamahan at ituro ang gobyerno sa mga kaso ng pagpatay.
Sa kanilang pag-uusap ng pangulo ay wala umano itong nababanggit na may planong magdeklara ng Martial Law sa Negros Island.
Ang malinaw lang ay hindi nito itinago ang galit nang binisita ang burol ng apat na pulis na pinatay umano ng NPA.