Hihintayin lamang ng Philippine National Police ang malinaw na direktiba mula sa Department of Justice bago muling magpatupad ng mga panibagong hakbang.
Ito ay matapos ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi suspendido ang re-arrest o muling pag-aresto sa mga hindi sumukong heinous Crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA Law.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Police Lt. Col. Kimberly Molitas, maghihintay sila ng anumang official list mula sa DOJ at susundin ang mga bagong utos.
Una nang sinabi ni Molitas na itinigil muna ng PNP ang manhunt operation laban sa mga hindi sumukong heinous crime convicts dahil wala pa silang official list ng mga heinous crime convicts na hindi pa sumuko na nakalaya dahil sa GCTA.
At habang wala pang malinaw na direktiba, hinikayat ng PNP ang mga hindi pa sumusuko na sumuko na sa pinakamalapit na police station sa kanilang lugar.