PNP, magpapadala ng humanitarian teams sa Masbate

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Humanitarian Assistance Teams para tumulong sa post-disaster response sa Masbate at iba pang lugar na labis na nasalanta ng Bagyong Opong.

Ayon kay PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., nakikipag-ugnayan na ang Police Regional Offices (PROs) sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na deployment kung saan prayoridad nila ang Masbate.

Dagdag pa ni Nartatez na tutulong ang PNP mula sa clearing operations hanggang sa muling pagpapatayo ng mga komunidad.

Kahapon, inatasan din ni Nartatez ang mga pulis na tumulong sa road clearing para masigurong agad maipapamahagi ang relief goods.

Facebook Comments