PNP, magpapadala ng karagdagang tauhan sa BARMM para sa Parliamentary Election

Magpapadala ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang tauhan upang magsilbing augmentation sa local police sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasunod ng pagsisimula ng election period para sa Bangsamoro Parliament election ngayong Oktubre.

Bagama’t hindi ibinigay ang eksaktong bilang ng idadagdag na pwersa, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na minimal na lamang ang deployment dahil naniniwala silang magiging “very, very peaceful” ang halalan sa rehiyon.

Patuloy din aniya ang pagpapatupad ng mga checkpoints bilang bahagi ng regular na mandato ng PNP.

Kaugnay naman sa liquor ban at iba pang election-related na patakaran, tiniyak ng PNP na susunod sila sa direktiba ng Commission on Elections (COMELEC) bilang suporta sa pangkalahatang seguridad ng halalan.

Facebook Comments