Handang handa na ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad na kanilang ikakasa para sa Simbang Gabi.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng local police unit sa bansa na bantayan ang pagdaraos ng Simbang Gabi na magsisimula sa Biyernes.
Aniya, nagbaba na siya ng direktiba sa mga pulis para dagdagan ang kanilang presensya sa mga simbahan.
Dapat ding visible o madaling makita ang mga blinker ng mga police mobile para sakaling kailanganin sila ng taumbayan ay agad silang makaresponde.
Dagdag pa ni Azurin, target nilang pababain ang antas ng krimen ngayong Disyembre kaya’t dapat na maging maigting ang kanilang pagbabantay.
Una nang sinabi ng PNP chief na nakataas na sa full alert ang PNP sa Biyernes kasabay na rin ng pag-arangkada ng Simbang Gabi.