Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging sa International Police o InterPol.
Ito’y para sa ikadarakip ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., at 12 iba pa.
Matatandaang naglabas ng mandamyento de aresto ang Manila Regional Trial Court kaugnay sa kasong murder, frustrated at attempted murder laban kay Teves at iba pa.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, malaking hamon sa kanila ngayon kung walang extradition treaty sa bansang kinaroroonan ng dating mambabatas.
Samantala, kinumpirma rin ni Fajardo na mayroon nang binuong tracker teams ang Pambansang Pulisya upang tuntunin ang kinaroroonan ng mga pugante.
Facebook Comments